BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE, INC.

News

Senior Citizen Discount

Alinsunod sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ay mayroong 5% na discount sa power bill ang mga senior citizen na member-consumer-owners. Kailangan lamang pong pasok sa mga kwalipikasyon ang aplikante at makapagpasa ng kumpletong requirements sa tanggapan ng BATELEC I upang makatanggap ng discount na ito.

Samantala, kung hindi ang mismong aplikante ang magpapasa ng aplikasyon para maging tagapakinabang ng 5% discount ay kailangang magdala ng valid ID at awtorisasyon ang kanyang kinatawan na may pirma o thumb mark ng senior citizen.